Nagbigay ang komedyanteng si Kakai Bautista ng katangiang dapat umanong taglayin ng mga politiko o public servant.
Sa isang Facebook post ni Kakai kamakailan, sinabi niyang bawat politiko o public servant ay kailangang magkaroon ng malasakit sa kapuwa at bayan.
“Diba kapag may malasakit tayo sa kapwa, iniisip naten ang kapakanan nila, makakabuti, at makakagaan ng buhay nila. Ganoon din dapat sa BAYAN. Ganun mag-isip. Parang Parte ng PAMILYA nya ang BAYAN, JOWA nya. Yung hindi kayang mabuhay hangga’t hindi nya naibibigay ang lahat,” saad ni Kakai.
Dagdag pa niya, “Hindi mo totoong MAHAL kapag wala kang MALASAKIT kahit sa ano pang PARAAN. ”
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang post na ito ng komedyante. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Pano Po Malalaman kung totoong may malasakit sa kapwa. Lahat halos ng tarpuline nila may nakalagay na May malasakit, maaasahan, serbisyong may puso. "
"Malasakit sa bulsa meron sila."
"Totoo po yan. Hindi dapat sa pansariling bulsa lang at ang magnakaw"
"Sa mga gusto mong Makita SA pulitiko or aspirant candidates mam Kai pangunahan mo na Kasi para may tutularan sila.. SA lahat Kasi parang wala talaga lahat Lang puro salita at papasa"
"Tumakbo Ka na Kasi Kai"
"Pano Po Malalaman kung totoong may malasakit sa kapwa. Lahat halos ng tarpuline nila may nakalagay na May malasakit, maaasahan, serbisyong may puso. "