April 18, 2025

Home BALITA National

CHED Curriculum, BLEPT content magkatugma na!

CHED Curriculum, BLEPT content magkatugma na!
Photo Courtesy: via MB

Iniakma na ang kurikulum ng Commission on Higher Education (CHED) sa content ng Board Examination for Professional Teachers (BLEPT).

Sa isinagawang ceremonial signing noong Huwebes, Abril 10, sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpirma nina CHED Secretary Popoy De Vera at Professional Regulation Commission (PRC) Chairperson Charito A. Zamora sa Joint Memorandum Circular (JMC).

Tampok sa kasunduang ito ang pag-aakma ng CHED curriculum sa ilalabas na content ng BLEPT para sa Early Childhood Education, Special Needs Education, Technical-Vocational Teacher Education, Physical Education, at Culture and Arts Education.

Ang JMC na ito ay bunga ng direktiba ng pangulo sa isinagawang sectoral meeting kasama ang Second Congressional Commission for Education (EDCOM II) noong Marso 2025. 

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Binigyang-diin dito ang agarang pagpapatupad sa kinakailangang reporma upang maayos ang kabisaan at kahalagahan ng mga education program sa Pilipinas.

Bukod dito, magkakaroon na rin ng dalawang specialization ang mga estudyanteng nagtapos sa ilalim ng programang Elementary Education na dati ay wala.

Isa para sa Early Childhood Education, at isa naman para sa Special Needs Education.