April 13, 2025

Home BALITA National

62% ng mga Pinoy, naniniwalang mahalagang harapin ni FPRRD kaso sa ICC

62% ng mga Pinoy, naniniwalang mahalagang harapin ni FPRRD kaso sa ICC
Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

Tinatayang 62% ng mga Pilipino ang naniniwalang mahalagang personal na harapin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso niyang “krimen laban sa sangkatauhan” sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, ayon sa WR Numero Research.

Base rin sa inilabas na survey ng WR Numero nitong Biyernes, Abril 11, 20% naman ng mga Pinoy ang nagsabing hindi mahalagang harapin pa ng dating pangulo ang kaniyang kaso sa ICC.

Tinatayang 19% naman ang “undecided” sa naturang usapin.

Samantala, ayon din sa WR Numero, 52% ng mga Pilipino ang naniniwalang “dapat panagutin sa batas at sa isang patas na paglilitis si Duterte para sa krimen laban sa sangkatauhan ng pagpatay kaugnay ng kaniyang giyera kontra droga.”

National

Kaguruan, paaralan pinaalalahanang protektahan personal data ng mga estudyante

Nasa 24% naman daw ang hindi naniniwalang dapat panagutin sa batas ang dating pangulo, habang 25% ang hindi siguro sa kanilang isasagot.

Isinagawa raw ang nasabing survey mula Marso 31 hanggang Abril 7 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,894 registered voters sa bansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong "crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon. 

Noong Marso 14 nang isagawa ang pre-trial hearing ni Duterte sa ICC Pre-trial Chamber I. 

Nakatakda naman ang confirmation of charges hearing ng dating pangulo sa darating na Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD