Inaasahang 18 lugar sa bansa ang makararanas ng “dangerous” heat index bukas ng Sabado, Abril 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Abril 11, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar bukas:
45°C - Sangley Point, Cavite City, Cavite
44°C - Dagupan City, Pangasinan
43°C - ISU Echague, Isabela
43°C - TAU Camiling, Tarlac
43°C - Ambulong, Tanauan Batangas
43°C - Iloilo City, Iloilo
42°C - NAIA Pasay City, Metro Manila
42°C - Tuguegarao City, Cagayan
42°C - Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
42°C - San Ildefonso, Bulacan
42°C - Infanta, Quezon
42°C - San Jose, Occidental Mindoro
42°C - Cuyo, Palawan
42°C - Virac (Synop), Catanduanes
42°C - Masbate City, Masbate
42°C - Roxas City, Capiz
42°C - Dumangas, Iloilo
42°C - Dipolog, Zamboanga del Norte
Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?