April 18, 2025

Home BALITA Eleksyon

Smear campaign video laban kay Mayor Vico, kinunan sa loob ng St. Gerrard Construction?

Smear campaign video laban kay Mayor Vico, kinunan sa loob ng St. Gerrard Construction?
Photo courtesy: Ogie Diaz, GMA Integrated News/FB, The Journal Pasig/FB screenshot

Nagbigay ng ilang detalye si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian hinggil sa isyu ng isang 57-anyos na babaeng person with disability (PWD) na "pinilit" at "tinuruan kung ano ang sasabihin" para siraan umano si Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang smear campaign video na kumakalat ngayon sa social media.

Sa panayam kay Gatchalian sa "Headstart" ng ABS-CBN News Channel (ANC), Huwebes, Abril 10, natanong ni Kat Domingo ang DSWD Secretary kung ano-ano na ang key findings nila sa imbestigasyon tungkol dito.

Sagot ni Gatchalian, sa apat na araw daw na pag-iimbestiga nila, unang-una ay napag-alaman umano nilang may "coercion" na naganap sa nabanggit na pagsho-shoot ng campaign video. Malinaw raw kasing sumagot nang "No" ang biktima nang tanungin kung nais ba niyang sumalang sa isang panayam, habang nakapila sa ipinamamahaging bigas ng vloggers. Ngunit sinabi raw ng mga nangumbinsi sa kaniya na huwag siyang mag-alala dahil tuturuan naman siya ng mga sasabihin niya. 

Pangalawa, napag-alaman din ng DSWD kung saan naganap ang pamamahagi ng bigas at pag-shoot ng video, na tinukoy ni Gatchalian na "St. Gerrard Construction."

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

"We also know where the rice distribution was taking place and we also know where the video took place. It's in St. Gerrard Construction, which I believe is somehow related to a candidate running in Pasig."

"So there, you can already see the storyline unfolding..." pahayag pa ni Gatchalian.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng nagmamay-ari ng nabanggit na establishment.

Ang St. Gerrard Construction ay pagmamay-ari diumano ni Pasig Mayoral Candidate Sara Discaya.

MAKI-BALITA: Viral na 77-anyos na PWD, 'pinilit' para siraan umano si Mayor Vico —DSWD