April 18, 2025

Home BALITA National

PNP nauna pang ‘kidnapin’ si FPRRD kaysa tugunan isyu ng kidnapping sa bansa—Sen. Go

PNP nauna pang ‘kidnapin’ si FPRRD kaysa tugunan isyu ng kidnapping sa bansa—Sen. Go
Photo courtesy: Senate of the Philippines/FB, ICC/website at PNP/FB

Iginiit ni reelectionist Senator Bong Go ang akusasyong pag-kidnap umano ng mga awtoridad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pag-aresto nila sa kaniya noong Marso 11, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sa ikatlong pagdinig ng Senado hinggil sa umano’y ilegal na naging pag-aresto sa dating Pangulo, sinabi ni Go na mas nauna pa raw dakipin ng kapulisan si dating Pangulong Duterte kaysa tugunan ang isyu ng kidnapping sa bansa. 

"Sa mga pulis naman po, unahin n'yo muna resolbahin ang problema sa kidnapping ngayon pero inuna n’yo pa ang pag-aresto o ang pag-kidnap kay Tatay Digong," anang senador.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Samantala, nagpahaging din si Go sa mga umano’y opisyal na nambastos noon sa kaniya matapos siyang talikuran sa kasagsagan ng pag-aresto sa dating Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Go, binuweltahan PNP Spokesperson: 'Ilang beses ka na nagsisinungaling'

“Unfortunately Madam Chair, gusto ko talaga mag-participate, araw-araw sama tayo diyan sa hearing. Pero hindi ko po kayang humarap sa ilang tao sa pagdinig na ito na hindi marunong rumespeto. Mga ilang tao na tatakbuhan ka, hindi nagsasabi ng totoo. Hindi man lang marunong rumespeto sa isang kasamahan n’yo sa gobyerno,” ani Go.

KAUGNAY NA BALITA: Bong Go, hindi pinapasok sa airport sa pagdating ni FPRRD