April 18, 2025

Home BALITA National

Pagkasawi ng Pinoy sa Myanmar dahil sa lindol, kinumpirma ng DFA

Pagkasawi ng Pinoy sa Myanmar dahil sa lindol, kinumpirma ng DFA
Photo courtesy: AP News/website

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isa pang Pinoy ang nasawi sa Myanmar matapos ang pagtama ng 7.7 lindol noong Marso 28, 2025.

Ayon sa pahayag ng DFA nitong Huwebes, Abril 10, 2025, galing umano ang naturang kumpirmasyon mula sa Philippine Embassy sa Yangon.

"The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28," anang ahensya. 

Noong Miyerkules, Abril 9 nang ianunsyo rin ng DFA ang tungkol sa unang Pinoy na naitalang nasawi bunsod pa rin ng nasabing trahedya.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

KAUGNAY NA BALITA: Isa sa apat na Pinoy na nawawala sa Myanmar, kumpirmadong patay dulot ng lindol

Samantala, dalawang Pinoy pa ang nananatiling pinaghahanap pa rin.

"We continue to hope for the best for the remaining two Filipinos still unaccounted for in Mandalay, Malaysia," saad ng DFA.