April 17, 2025

Home BALITA National

Nakitang 'dugo' sa ngipin ni PBBM habang nagtatalumpati, ikinabahala ng netizens

Nakitang 'dugo' sa ngipin ni PBBM habang nagtatalumpati, ikinabahala ng netizens
(Photo courtesy: RTVM/FB screengrab)

Ikinabahala ng ilang netizens ang nakitang umano’y “dugo” sa babang bahagi ng ngipin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang nagtatalumpati siya para sa paggunita ng Araw ng Kagitingan nitong Miyerkules, Abril 9.

Base sa talumpati ni Marcos na inere ng Radio Television Malacañang (RTVM), makikita sa unang mga munuto ng kaniyang pagsasalita na wala pang tila pulang kulay sa babang ngipin ng pangulo.

Samantala, sa kalagitnaan ng kaniyang talumpati ay mapapansin ang tila dugo sa kaniyang mga ngipin.

Anang netizens, tila bunsod umano ang napansin sa ngipin ni Marcos ng pagdurugo ng kaniyang mga labi o gilagid.

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

May ilan ding nabahala kung mayroon ba umanong iniindang sakit ang pangulo.

“Our President needs immediate medical attention,” komento ng isang netizen.

“Not looking good.”

“I will continue to pray for you, Mr. President. You should also take care of yourself.”

Habang sinusulat ito’y wala pang pahayag ang Malacanang o ang pangulo hinggil sa nasabing pangyayari.