Nagbaba ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban kay Nueva Ecija aspiring governor Virgilio Bote matapos ang umano'y kontrobersyal niyang pahayag sa cancer ng kaniyang kalaban sa kandidatura.
Ayon sa Comelec, posible umanong nilabag ni Bote ang Comelec Resolution No. 11116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning guidelines for purposes of the 12 May 2025 National and Local Elections and BARRM Parliamentary Elections.
Saad pa ng Comelec, "In view of the foregoing, you are hereby ordered to Show Cause in writing within a non-extendible period of three day from receipt thereof and to explain why a complaint for election offense and/or a petition for disqualification should be filed against you."
Noong Abril 3 nang bitawan ni Bote sa isang campaign event ang kaniya umanong patutsada laban sa kaniyang kalaban at sa sakit nito.
"Ngayon naman po ay walang katalo-talo ang kalabang mayor ng aking mayor dahil nasa ospital na po ang kalaban namin. Di ko po pinabaril. May sakit po na, ano yun? Ano yung sakit? Bypass kidney stage five cancer. Cancer na rin! Kaya di na po makapangampanya. Kaya po kami ay nakaluwag," ani Bote.
Matatandaang kamakailan lang nang maglabas din ng show cause order ang Comelec laban sa ilan pang kandidatong tumatakbo sa mga lokal na posisyon para naman sa mga malalaswa umano nilang pahayag at maging sa isang campaign jingle.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ian Sia, pinagpapaliwanag ulit dahil sa pahayag niya patungkol sa kaniyang babaeng assistant
KAUGNAY NA BALITA: Comelec, pinagpapaliwanag si MisOr Gov. Unabia sa pahayag nito ukol sa mga nurse, Moro
KAUGNAY NA BALITA: 'Cookie ni Mocha' sinita ng Comelec; sexually suggestive daw!