Naglabas na rin ng pahayag ang aktor na si Gene Padilla, kapatid ni Dennis Padilla, hinggil sa paglalabas ng sama ng loob ng utol dahil sa pagtrato bilang "guest" sa kasal ng sariling anak na si Claudia Barretto at long-time boyfriend-turned-husband na si Basti Lorenzo noong Martes, Abril 8.
Batay sa Instagram post ni Gene, ngayon lamang daw siya naka-witness na ang ama ng bride ay hindi kasama sa wedding entourage ng anak na ikakasal.
Bukod pa rito, wala raw nagsabi nang maaga kay Dennis na hindi siya bahagi ng programa, at umano'y pinaupo pa si Dennis sa lugar ng mga ninong.
"Ngayon lang po ako magsasalita...by 1PM nasa church na po ako... galing bulacan going to alabang... simama po namin 5am gumising na excited same kay kuya dennis padilla para sa kasal ng anak niya... ngayon lang ako nakawitness ng kasal na di part ng program ang ama ng bride... sa aga namin dun... na nandun mga event organizer wala man lang nagsabi na di siya part ng program...di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar...nagtanong kami kung san uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan dun at yung ama dun na lang DAW sa tumabi sa mga ninong...kaya kami ni kuya dennis pumunta na lamang sa likuran...," aniya.
Naging emosyunal daw ang kapatid dahil sa nangyari.
"Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari...kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at papicture na lang sa kinasal...naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin... naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako... ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak..."
"yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo.... puro kayo karangyaan at kasikatan... sa inyo na lahat yan... sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo... pero pinag kaiba batin yung puso namin at dignidad di niyo kaya pantayan...kahit magtanong kayo sa ibang magulang tama ba o mali ang ginawa niyo sa tatay niyo??? Dennis Dominguez Padilla Cheeni Taa Samuel Baldivia di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!!" aniya pa.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya si Dennis na naging "guest" lamang daw siya sa kasal ng anak, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.
"GRABE KAYO!! NABUDOL NYO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR. GALING NYO!"
"Sagad Sa buto," aniya.
Kalaunan, binura din niya ang nabanggit na Instagram post.
Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"To the bride, Pinapunta nyo nga sa wedding pero sana manlang you made your father aware na Hindi sya yung hahatid sayo sa altar diba? I’m sure maiintindihan naman ni Dennis yun. Pero inexpect kasi ng Tatay nyo na sya yung maghahatid sayo sa altar kasi yun naman ang role ng Tatay sa bride diba? POV lang po."
"Madami nako nawitness na wedding bilang event singer ako na kahit broken family sila at lumaki ung bride sa puder ng nanay inacknowledged padin nila Papa/Daddy nila. Hindi lang basta visitor kundi part ng program ang dad nila, Papa ang kasama nila sa paghatid sa kanila sa altar at part din ang papa sa message at part din ang papa sa “father daughter dance” isa sa mga traditional dances sa kasal. Madami ako na encounter na through message ng dad sa kasal mas nagkakaroon ng healing ang family, kasi ang lalaki hindi showy at hindi din sila verbally open sa feelings nila, pero pag may pagkakataon at once in a lifetime lang yun kahit hindi maboka ang tatay mag mmessage talaga para sa anak nya. Kahit na may iba na family daddy/papa nila hindi nila dinisrespect yung part ng isang ama sa isang kasal, kasi I believe nasa pagpapalaki ng nanay yan, nasa environment, nasa taong kasama nila sa bahay kung paano sila pinalaki. I remember a speech pa ng isang mother before na sinabi nya during the wedding sa bride na thankful sya kasi namana ng bride yung heart at mind nya — puso na mapag patawad at isip na kaya umunawa. Kaya sa mga broken family jan lalo na sa ating mga babae, wag natin palakihin ang anak natin na may galit sa puso, tatay padin nila yun at wag sila magagalit sa tatay nila kahit anong ginawa ng tatay nila, at the end of the day anak padin natin ang magdadala ng mabuting asal na yun mawala man tayo sa mundo."
"Sorry pero now lang ako mag comment sa mga gantong issue! Meron ako nababasa na 'Buti nga ininvite kapa' say ko Jan! Sana nga Hindi nalang ininvite kasi sa ginawa Nila double Ang Sakit bilang AMA yun. Pangaarap ng isang Tatay yun tapos Hindi sya Ang nag hatid sa anak Nya. JUSKO! Baliktarin nyu Ang mundo Magulang ninyo yan no matter what! Sabi sa bible wag na wag ninyo lalaban or bibigyan ng sama ng loob Ang mga magulang. Sorry for Kuya Dennis be happy nalang life is too short!"
"What do you guys want's po ba? Sya maglakad kay Claui sa Altar? After all ng mga pinagssbe ng AMA nla sa mga anak nya? Inimbithan na nga sya gusto nya pa sya ang STAR of the day? Hindi invited may massbe pa den sya? Saan po lulugar yung mga anak na may magulang na toxic kagaya ni Dennis Padilla? Hindi na kayo nahiya. Kasal ni Claui pinagpepyestahan na nman s amadla dahil sa pagwawala na nman ng Tatay nya."
"Kung ayaw magpahatid ni Claudia kay Dennis di ba reflection yun kung anong klaseng ama sya? Kahit anong sulsol ng mga nakapaligid sa kanya, kung mabuting ama sya mas mananaig yun. Sa pagpost ng kapatid mo na makapal sila at sa post mong ito, enough na para masabi na walang kwentang tatay yang kapatid mo. Sana di na lang nila kayo inimbitahan, wala na ngang pera ubod pa ng toxic. Sana pag kinasal si Julia di na kayo mainbitahan, ganun din may masasabi pa din kayo."
"Sobra tlga pamilya baretto ng nanay ng anak ni dennis sobra.Grabe wala sila kunsensya!Kht man lng un anak nya mismo nlng!"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Claudia Barretto tungkol sa isyu.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'