Mula sa The Hague, Netherlands, nagpadala ng mga tsokolate si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga batang may cancer.
Sa isang social media post ng isa sa mga staff ng House of Hope (HOH) na si Floreces Logronio Tadla, ibinahagi niya ang kaniyang pagpapasalamat sa dating pangulo.
"Dear FPRRD, I hope you are well in The Hague. We want to express our gratitude for the chocolates you sent to the Kids of Hope. It truly means a lot that, even from afar, you thought of bringing joy to our patients," ani Tadla.
Nagpasalamat din siya kay Vice President Sara Duterte para sa pagpapadeliver ng mga tsokolate sa HOH.

Matatandaang nakauwi na ng Pilipinas ang bise presidente na kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) noong Abril 7.
BASAHIN: VP Sara, nakauwi na sa Pinas!
Bukod sa mga ipinadala ng dating pangulo, nagbigay rin umano ng mga tsokolate at mga teddy bear ang mga Pinoy sa Europe.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague ang dating pangulo dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD