April 16, 2025

Home BALITA

Ambassador Lacanilao ipina-contempt ni Sen. Bato: ‘You’re lying!’

Ambassador Lacanilao ipina-contempt ni Sen. Bato: ‘You’re lying!’
Photo courtesy: Senate of the Philippines/Facebook

Ipina-contempt ni reelectionist Senator Ronald “Bato” dela Rosa si Ambassador Markus Lacanilao matapos ang umano’y kuwestiyonableng mga sagot niya sa ikatlong Senate hearing na isinagawa ngayong Huwebes, Abril 10, 2025, hinggil sa umano’y ilegal na pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacanilao, hindi umano niya alam na hindi dinala si dating Pangulong Duterte sa judicial authority.

"Hindi mo alam na hindi pala siya pinadala sa competent court? Competent judicial authority. Hindi mo alam? Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam?” ani Dela Rosa. 

“Opo Mr. Senator, kung ano po yung nabanggit ko kanina…,” sagot ni Lacanilao.

Internasyonal

Katy Perry, pumunta sa outer space kasama ng iba pang all-female crew

Giit pa ni Dela Rosa, naroroon daw sa Villamor Airbase si Lacanilao nanag maaresto at dalhin sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte.

"So hindi mo pa rin alam na hindi siya dinala sa judicial authority? 

“Yes Mr. Senator,” ani Lacanilao.

Muling inulit ni Dela Rosa ang kaniyang tanong, “Hindi mo alam?”

“Yes Mr. Senator.”

“You're lying! You're lying! Madam Chair I moved to cite in contempt ambassador Lacanilao,” ani Dela Rosa kay Sen. Imee Marcos. 

Sinubukan pang tanungin ni Sen. Imee si Lacanilao ngunit nananatili siyang wala umano siyang alam kung saan dadalhin si dating Pangulong Duterte.

“Last chance, hindi mo alam na nilabas sa Villamor si PRRD?” ani Sen. Imee.

“Hindi po Madam Chair.”

“Okay there's a motion to cite you in contempt,” anang senadora. 

Samantala, sinubukan pang iapela ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang naturang desisyon ng dalawang senador, ngunit hindi siya pinagbigyan.