April 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

AI, ituturo sa mga estudyante sa elementarya, high school sa Beijing, China

AI, ituturo sa mga estudyante sa elementarya, high school sa Beijing, China
Photo: Unsplash

Nakatakdang iimplementa ang artificial intelligence (AI) classes sa elementarya at sekondaryang mga paaralan sa Beijing, China ngayong taon.

Ayon sa mga ulat, layon ng pagtuturo ng AI sa mga estudyante sa Beijing na palakasin umano ang posisyon ng China sa global AI landscape, at upang maging isang global leader ito pagdating sa AI technology. 

Magsisimula raw ang pagtuturo ng AI lessons sa elementary at secondary students simula sa darating na semestre sa Setyembre 1, 2025.

Bibigyan ang mga estudyante ng hindi bababa sa walong oras na AI instruction kada academic year.

Internasyonal

Mexican actor nagka-bacterial infection matapos magbakasyon sa Pinas?

Maaari daw magsagawa ang mga paaralan ng hiwalay na kurso tungkol sa AI o isama ang mga aralin dito sa ibang mga subject tulad ng Science o Information Technology.

Mula 2018, mahigit 500 unibersidad sa China na umano ang nag-implementa ng mga kurso at majors hinggil sa AI.