Inisyuhan ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Rep. Ruwel Peter Gonzaga ng 2nd District Davao de Oro kaugnay sa umano'y sexual remarks nito sa tatlong magkakahiwalay na aktibidad.
Sa naturang show cause order, inilahad ng Comelec ang mga sinambit umano ni Gonzaga sa "three separate events during the election period."
"May mga gawain ang mga lalaki na tinatanong niya na kaya rin bang gawin ng mga babae? Kaya? Mas matindi nga siguro ang mga babae sa mga lalaki. Ang mga lalaki magaling kayong 'umiyot.' Kayo bang mga babae magaling ba kayong 'umiyot'? O mas magaling pa kayo sa mga lalaki? Yan ang mga tanong na dapat ninyong sagutin, bakit? Sasabihin niyo agad kaming mga babae, equal kami sa mga lalake. Pero hindi na yan totoo ngayon. Hindi na talaga. Kasi karamihan sa mga babae, pinipili na lang kung saan sila. Sa ilalim ba o sa babaw?"
"Sinasabi ko sa inyo si Nena Atamosa, labing apat na taon nang biyuda. Sigurado ako, Nagsara na ang 'kanya.' Susubukan mo bang paluwagan?" "Ibigay na yan kay Kagawad Arguelles pero gusto ko sa lips. Sige na one, two, three. Pinagpawisan ka ba kagawad? Wag na lang sa lips dito na lang. Sige na."
"Dotdot, susuyuin kita. Bumukaka ka na."
Bibigyan ng Comelec ng tatlong araw si Gonzaga para magpaliwanag. Kung sakaling hindi ito tumugon, maaari itong sampahan ng reklamo.
“In view of the foregoing, you are hereby ordered to show cause in writing, within a non-extendable period of three days from receipt hereof, and to explain why a complaint for election offense and/or a petition for disqualification should not be filed against you."
Si Gonzaga ay kasalukuyang tumatakbo bilang provincial governor sa Davao de Oro.