Naglabas ng saloobin ang common-law partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña hinggil sa pagkakaarresto nito sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity noong Marso 11.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Sa panayam ng vloggers at ilang media kay Honeylet nitong Miyerkules, Abril 9, 2025, ibinahagi niya ang ilan sa mga pinag-usapan nila ni Duterte.
“I asked him nga eh, 'how do you feel? Are you angry?' He said 'no.' Kaya yung mga gumawa sa kaniya nito, impyerno kayo!” saad ni Honeylet.
Dagdag pa niya, “All he cared for was about his country, alam n'yo 'yan.”
Tinawag din ni Honeylet na “wrong move” ang pagpapakulong sa dating Pangulo sa ICC.
“Buti sana kung naging tarantado, magnanakaw, bangag. 'Di ba? Akala nila that will put him down. Nagkamali sila. Wrong move,” aniya.
Nananatili sa The Hague sa Netherlands ang dating Pangulo na nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing sa darating na Setyembre 23.
KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025