Sinagot ni Veronica “Kitty” Duterte ang umano’y isyung ibinabato sa kaniya kaugnay US passport na naispatang hawak niya sa pagbisita niya sa The Hague, Netherlands para sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Sa ambush interview kay Kitty nitong Miyerkules, Abril 9, 2025, iginiit niyang siya ay isa umanong Filipino citizen.
“I don't mind them actually. I'm a Filipino citizen so I don't think I have to explain since I'm a private citizen,” ani Kitty.
Matatandaang noong Marso 26, 2025 nang dumating si Kitty sa The Hague, kasama ang inang si Honeylet Avanceña para sa noo’y darating na ika-80 kaarawan ng dating Pangulo sa Marso 28.
KAUGNAY NA BALITA: Honeylet Avanceña, Kitty Duterte nasa The Hague na