January 21, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

"Lahat ng bagay ay aking magagawa sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin." - Philippians 4:13

Ito ay paalala na anuman ang pinagdaraanan mo ngayon, may lakas at proteksyon ka dahil kasama mo si Kristo.

May pagkakataon sa ating buhay na parang napakabigat ng ating mga dalahin. Nakakapagod, nakakadismaya, nakakagalit, at minsan parang gusto na lang natin sumuko dahil hindi na natin kaya. 

Ngunit ipinapaalala sa atin ng Diyos na hindi tayo nag-iisa at hindi natin kailangang umasa sa sarili nating lakas lamang. Sapagkat Siya ang nagbibigay-kalakasan sa atin na higit pa sa kayang ibigay ng mundo. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw?

Sa Kaniya, nagiging posible ang mga tingin mo'y imposibleng sitwasyon. Kahit may kabiguan, pagsubok, o pangangailangan, kayang-kaya dahil kasama natin ang Panginoon.