April 18, 2025

Home BALITA

Isa sa apat na Pinoy na nawawala sa Myanmar, kumpirmadong patay dulot ng lindol

Isa sa apat na Pinoy na nawawala sa Myanmar, kumpirmadong patay dulot ng lindol
Photo courtesy: AP News

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduarda De Vega na isang Pilipino na ang nasawi sa Myanmar, matapos ang 7.7 lindol na tumama doon.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News Miyerkules, Abril 9, 2025, isinaad ng DFA ang kanila umanong malungkot na balita. 

"The Department of Foreign Affairs regrets to inform the nation that the remains of one of the four missing Filipinos in Mandalay, Myanmar have been positively identified," anang DFA. 

Nirerespeto aniya ng ahensya ang pamilya ng biktima, dahilan upang hindi muna raw sila maglalabas pa ng iba pang impormasyon.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

"Out of respect for the privacy (of the family) in this time of grief, we are withholding further information on the matter,"

saad ng DFA. 

Sa hiwalay namang panayam ng isang local media station, nabanggit ng DFA na na nasa decomposition na raw ang bangkay ng biktima na posibleng sa Myanmar na raw i-cremate. 

"Kinakausap namin 'yung pamilya at tingnan natin kung ano pang assistance ang maibibigay natin. We want to respect them in this time of crisis pero parang alam na rin nila kasi matagal na rin," ani De Vega. 

Samantala, patuloy ang paghahanap sa tatlo pang Pinoy dulot pa rin ng nasabing trahedya. 

“We continue to work and hope for the best for the remaining three Filipinos still unaccounted for,” saad ng DFA.