April 17, 2025

Home BALITA

Hinggil sa isyu ni Rep. Gonzaga: De Lima, nanawagan kay PBBM na disiplinahin kaalyado niya

Hinggil sa isyu ni Rep. Gonzaga: De Lima, nanawagan kay PBBM na disiplinahin kaalyado niya
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, HOR/website at Bongbong Marcos/FB

Pinalagan ni Mamamayang Liberal first nominee Atty. Leila de Lima ang umano’y sexist at misogynistic na pahayag ni Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga sa magkakahiwalay nitong aktibidad.

Sa pamamagitan ng posts sa kaniyang social media accounts, iginiit ni De Lima na ang pamumuno ay hindi isang pagpapatawa sa harap ng karamihan. 

"Leadership is not about drawing laughs from a crowd—it’s about drawing the line between what is right and what is wrong. It’s about protecting those who are often unheard, unseen, and unrepresented," saad ni De Lima. 

Matatandaang inisyuhan na rin ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Gonzaga hinggil nasabing sexual remarks nito. 

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Ruwel Gonzaga, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pahayag niyang 'magaling umiy*t'

Hinamon din ni De Lima na mag-public apology umano si Gonzaga matapos ang kaniyang kontrobersyal na mga pahayag. 

"I call on Rep. Gonzaga to issue a public apology—not just to the women he disrespected, but to all Filipinos who believe in a politics anchored on respect, fairness, and human dignity." ani De Lima.

Kinalampag niya rin si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na marapat lang umanong disiplinahin si Gonzaga na kaalyado mismo ng Pangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

"I also call on President Ferdinand Marcos Jr., as leader of the Partido Federal ng Pilipinas, to discipline his party-mate. As the administration party, PFP must set a good example," aniya.