April 18, 2025

Home BALITA Eleksyon

Gov't employees pwedeng masuspinde kapag nag-like, comment at share ng election-related posts—CSC

Gov't employees pwedeng masuspinde kapag nag-like, comment at share ng election-related posts—CSC
Photo courtesy: CSC/website at Pexels

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno hinggil sa suspensyon na maaari nilang matanggap sa pagkakaroon ng social media engagement na may kaugnayan sa politika, partikular na sa usapin ng eleksyon.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News nitong Miyerkules, Abril 9, 2025, nakasaad sa Memorandum Circular 3-2025 o Reminder Not to Engage in Partisan Political Activities During the Campaign Period of the 2025 Midterm Elections ang naturang babala ng komisyon para sa lahat ng empleyado ng gobyerno. 

"Government officials and employees are further reminded to be prudent when using social media. Social media functions such as liking, comment[ing], sharing, re-posting, or following a candidate's or party's account are considered as partisan political activity" if these are resorted to as means to solicit support for or against a candidate or party during the campaign period," anang memorandum. 

Ayon pa umano sa CSC, maaaring masuspinde ng isa hanggang anim na buwan para sa first offense ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan ng komisyon habang tuluyang dismissal naman ang ipapataw sa second offense. 

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP