Ikinababahala ng dating presidente ng malaking business community sa Pilipinas ang mga kaso ng kidnapping sa mga kapwa niyang negosyante rito sa bansa.
Sa Pandesal Forum nitong Martes, Abril 8, ibinahagi ng dating presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na si Dr. Cecilio Pedro ang mga kaso ng kidnapping sa mga Chinese.
"From January up to now, [there are] 12 kidnapping cases including the recent one. Out of the 12, 10 of them were Chinese, the two others were foreigners," saad ni Dr. Pedro.
"Nandyan pa ang kidnapping. There's a live case currently, according to new report, yes, there is a live case ongoing e hindi pa nakalabas," dagdag pa niya.
Matatandaang Pebrero ngayong taon lamang nang maiulat na kinidnap ang 14-anyos Chinese student na nag-aaral sa isang exclusive school sa Taguig City. Sinasabing pinutulan pa ng daliri ang biktima nang tumangging magbigay ng ransom ang pamilya sa mga kidnapper.
BASAHIN: Chinese student na kinidnap, nakabalik na sa magulang; walang binayaran na ransom
At kamakailan lamang, nitong Abril, usap-usapan ang umano'y pagkidnap sa isang big time na Filipino-Chinese steel magnate habang kumakain daw sa isang seafood hotspot sa Metro Manila.
BASAHIN: Chinoy steel magnate, dinukot ng grupong nangidnap ng estudyante sa isang exclusive school?
Kaugnay nito, tila nababahala ang singer at performing artist na si Eva Marie Poon sa mga nangyayaring kidnapan sa komunidad ng Chinese at Chinese-Filipino sa bansa subalit wala raw kabali-balita tungkol dito.
BASAHIN: Eva Marie Poon, sinabing may kidnapan sa Chinese community pero walang kabali-balita rito
Samantala, pabor si Dr. Pedro na maibalik muli ang death penalty sa bansa para sa mga kidnapper dahil aniya ito raw ang solusyon para matigil ang kidnapping habang binanggit din niya ang polisya ng China kaugnay rito.
"The kidnapping is still a problem. How do we address this? I'm all for restoring death penalty for kidnappers. 'Yan ang solution d'yan e. In China, kapag nahuli ka ng kidnapping isa bala ka lang. Talagang papatayin ka roon e. So, walang kidnapping sa China. Takot sila e, papatayin sila. Pati yung drug cases papatayin ka talaga sa China," anang dating pangulo ng FFCCCII.
Giit pa niya, "These are problems we face regularly. Dati ang kinikidnap nila yung mga taga POGO, ngayon pati yung locals kinikidnap na rin. Medyo concern sa amin 'yan kasi local businessman na ang tinatarget. Ayun, ayaw namin n'yan."
Nais ni Dr. Pedro na matugunan ng gobyerno ang mga insidente ng kidnapping sa bansa. Aniya, hindi rin matuloy ang paghahain ng kaso sa mga kidnapper dahil natatakot ang mga rescued victim na maging witness sa korte.
"We want this to be addressed as soon as possible. And we're dealing with the government, hopefully, in addressing this issue. Ang masama pa d'yan, yung mga na-rescue na kidnap victims, we file cases [pero] natatakot yung mga victim na maging witness sa court dahil matagal yung process natin sa court e. Tinatakot din sila ng mga kidnapper so they end up dropping the case. Nakakalaya yung mga kidnapper. That is not good.
"It's up to our government officials to address this concern. Kailangan ma-resolve at ma-penalize yung mga kidnappers [para] hindi na matakot yung mga victim to be witness or to address this issue in a way that kidnapping can be eliminated totally."