April 18, 2025

Home BALITA Eleksyon

Camille Villar: Handa akong paglingkuran ang mga OFW

Camille Villar: Handa akong paglingkuran ang mga OFW
photo courtesy: Camille Villar/Facebook

Muling ipinahayag ni senatorial candidate Camille Villar ang kanyang matibay na paninindigan para sa kapakanan at proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), binibigyang-diin ang mahalagang papel na ginagampanan nila sa paghubog ng bansa at sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sa kanyang pagharap sa mga lokal na lider at kinatawan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan ng Quezon nitong weekend, ibinahagi ni Villar na matagal nang prayoridad ng kanilang pamilya sa serbisyo publiko ang pagtugon sa pangangailangan ng mga OFW. Kabilang sa mga inisyatibong kanilang isinulong ay ang pagbibigay ng legal na tulong, suporta sa repatriation, tulong-pangkabuhayan, at mga dedicated hotline para sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

“Ang ating mga OFW ang haligi ng maraming pamilyang Pilipino at matibay na sandigan ng ating ekonomiya. Nararapat lamang na ibigay sa kanila ang buong suporta ng pamahalaan,” ani Villar.

Bilang mambabatas sa ika-18 Kongreso, isa si Villar sa mga nagsulong ng Republic Act No. 11641, na lumikha sa Department of Migrant Workers—isang ahensyang may tungkuling pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW saan mang panig ng mundo.

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

Nagpasalamat din si Villar kina Quezon Governor Helen Tan at sa iba pang lokal na opisyal sa kanilang suporta at sa pagbibigay ng pagkakataon na makausap at makadaupang-palad ang kanilang mga nasasakupan.

Bukod sa pagsusulong ng mga karapatan ng OFW, binigyang-diin din ni Villar ang kahalagahan ng pagpapalago sa mga kanayunan. Hinikayat niya ang mas mataas na pamumuhunan sa agrikultura at imprastraktura upang makalikha ng mas maraming oportunidad sa mga probinsya.

“Ang agrikultura at imprastraktura ang susi sa pag-angat ng mga komunidad sa kanayunan. Ito ang pundasyon ng inklusibong pag-unlad,” aniya.

Bilang isang millennial na lider, sinabi ni Villar na nais niyang magdala ng mga makabago at makataong solusyon sa gobyerno. “Hangad kong makatulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino—sa pamamagitan ng mga polisiyang makabago, may malasakit, at nakaugat sa tunay na pangangailangan,”