April 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Shamcey Supsup, kumalas na sa kaniyang partido sa Pasig

Shamcey Supsup, kumalas na sa kaniyang partido sa Pasig
Shamcey Supsup/FB

Kumalas na ang beauty queen at kandidato sa pagka-konsehal na si Shamcey Supsup sa kaniyang partidong "Team Kaya This" matapos ang bastos na biro sa mga single mom ng kapartido niyang si Atty. Ian Sia.

Matatandaang inulan ng batikos si Sia dahil sa kaniyang bastos na biro tungkol sa mga single mom.

Hirit na joke niya, "Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."

BASAHIN: Atty. Ian Sia, sinisi ang uploader ng viral video; di raw pinakita pagtawa ng mga tao

Eleksyon

Misamis Oriental Gov. nag-sorry sa hirit na hindi puwede pangit, lalaki sa nursing

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng COMELEC si Sia tungkol sa kaniyang biro.

BASAHIN: Atty. Ian Sia, maaaring patawan ng election offense o disqualification

Samantala, sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 7, kumalas na sa Team Kaya This si Supsup.

"After careful thought and reflection, I have respectfully decided to resign from KAYA THIS," saad ng District 1 candidate. 

"When I joined the team, it was with sincere hope that we could work together for meaningful change. But recent events have made it clear that my values, especially those shaped by my experience as a woman, a mother, and a leader, no longer align with the direction the team is taking.

"This decision is not made lightly, but with full respect for my fellow aspirants, for the Miss Universe Philippines Organization whose mission I carry, and for the many women and girls who look to me for strength and clarity.

"I choose to stand firmly by the values I’ve upheld throughout my life: dignity, respect, accountability, and women empowerment. At this point, I believe the best way to stay true to these principles is to take a step back, reflect, and listen, to allow space for clarity before taking the next steps.

"I am grateful to KAYA THIS for the opportunity, and I wish everyone well."

Bago ang naturang pagkalas, pinuna na rin ng beauty queen-politician si Sia hinggil sa biro nito sa single moms. 

"As a woman and a mother, I do not tolerate statements--whether made in jest or in earnest--that diminish or disrespect women," ani Supsup.

Dagdag pa niya, "I've spoken to Atty. Ian and shared my thoughts with him directly. I believe we all have moment to learn from, and I hope this becomes one of them."

"You can trust that I will always stand for what is right, even when it's not easy. Because that's the kind of leadership I believe the Pasig deserves."