April 13, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Paggunita sa Day of Valor: Ang pagbagsak ng Bataan ay isa ring kagitingan

Paggunita sa Day of Valor: Ang pagbagsak ng Bataan ay isa ring kagitingan
Photo Courtesy: Ali Vicoy/MB

Sa araw na ito, Abril 9, ginugunita ang pagbagsak ng Bataan noong 1942 kung kailan nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ito rin ang hudyat sa simula ng Death March. Nagmartsa ang 76,000 sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinatayang 106 kilometro ang layo.

Dahil sa matinding hirap, gutom, at pagod na dinanas habang nasa daan, 54,000 lang ang pinalad na mabuhay.

Pero para sa mga eksperto sa kasaysayan, hindi lang umano ang pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang dapat gunitain sa araw na ito kundi pati ang kanilang giting na lumaban at ipagtanggol ang bayan. 

Mga Pagdiriwang

10 tradisyon sa Pilipinas tuwing Semana Santa

Ayon kasi sa mga tala, Pilipinas ang kahuli-hulihang sumuko sa mga Hapon sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

“We never celebrate the fall of Bataan, we commemorate the fall of Bataan. Kasi sa dami ng namatay doon sa Bataan, it was a tragedy that we hope would never be repeated,” pahayag ng history professor na si Dr. Ricardo Jose sa isang panayam ng GMA News noong Abril 2021.

“The fact that it stayed that long was already a victory by itself,” dugtong pa niya.

Kaya nararapat lang na pahalagahan—o mas tama sigurong sabihin na ipaglaban—ang kalayaang natatamasa ng bayan sa kasalukuyan.