April 17, 2025

Home BALITA

Klase sa La Carlota, sinuspinde matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon

Klase sa La Carlota, sinuspinde matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon
Photo Courtesy: PHILVOLCS (FB)

Suspendido ang mga klase sa lahat ng lebel ng paaralan sa lungsod ng La Carlota, Negros Occidental matapos ang muling pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), muling sumabog ang nasabing bulkan sa Negros Island kaninang 5:51 ng umaga, Martes, Abril 8.

Umabot umano sa 4,000 meters ang plume high halos kapareho rin ng naitalang plume high nang sumabog ang Kanlaon noong Disyembre 2024.

MAKI-BALITA: Pagsabog Bulkang Kanlaon, tumagal ng halos 4 na minuto

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

Pero wala naman daw inilabas na lava ang bulkan. Tumigil din ang pagbuga nito pagpatak ng 7:02 a.m at kasalukuyang nasa alert level 3.

“Wala po siyang lava na nilalabas. Ang nilalabas lamang ay ‘yong abo and may kasamang steam. And nagkaroon din tayo ng Pyroclastic density currents. Ito ‘yong pinaghalo-halong abo, bato, and gasses na bumaba sa dalisdis ng bulkan,” saad ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng Gising Pilipinas.

Matatandaang noong Linggo, Abril 6, ay dalawang beses na rin nagbuga ang Kanlaon ng abo.

MAKI-BALITA: Kanlaon, 2 beses nagbuga ng abo – Phivolcs

Samantala, narito ang listahan ng iba pang nagsuspinde ng klase:

* Isabela - all levels, public and private

* La Castellana