April 26, 2025

Home BALITA National

HS Romualdez, ikinatuwa pagbaba ng unemployment rate; pinuri si PBBM

HS Romualdez, ikinatuwa pagbaba ng unemployment rate; pinuri si PBBM
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nagbigay ng reaksiyon at pahayag si House Speaker Martin Romualdez sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba na ang bilang ng unemployment o mga taong walang trabaho o hanapbuhay sa bansa.

Sa isang press statement, na mababasa rin sa kaniyang opisyal na Facebook page, ibinida ni Romualdez ang resulta ng PSA Labor Force Survey, na ang unemployment rate ng bansa ay bumagsak sa 3.8% noong Pebrero 2025, higit na mababa mula sa 4.3% noong Enero, pinakamababang antas sa loob ng tatlong buwan.

"This improvement in our labor market conditions reflects the growing strength and stability of our economy. It is proof that our policies are prudent and uplifting our people’s lives,” aniya.

Ibinigay ng House Speaker ang kredito sa kaniyang pinsang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, kung saan, nagbunga na raw ang malinaw na bisyon ng pangulo para sa paglago ng ekonomiya.

National

Bam Aquino, inspirasyon si Pope Francis sa ‘mapagkalingang pamumuno’

"Our President’s clear vision for economic growth is bearing fruit. We, in Congress, are ready to provide necessary legislative support aimed at strengthening investments to create more jobs and skills training to enable our workers to adapt and thrive in the rapidly evolving digital landscape,” aniya.

Bukod sa unemployment rate, ibinida rin ni Romualdez ang ulat ng PSA patungkol naman sa pagtaas ng bilang ng mga may trabaho simula Pebrero 2025.

“With 49.15 million Filipinos now employed, we are seeing progress not just in numbers but in the lives of ordinary citizens,” anang House Speaker.