April 17, 2025

Home BALITA

Harry Roque, itinuturong nasa likod ng ‘polvoron video’ ni PBBM

Harry Roque, itinuturong nasa likod ng ‘polvoron video’ ni PBBM
Photo Courtesy: Screenshots from Harry Roque (FB), X

Inakusahan si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque bilang isa sa mga may pakana ng kontrobersiyal na “polvoron video” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isinagawang House Tri-Comm hearing hinggil sa cybercrimes at fake news nitong Martes, Abril 8, ikinuwento ng vlogger na si Pebbles Cunanan ang tungkol sa isang dinner na dinaluhan umano niya sa Hong Kong.

Ayon sa affidavit ni Pebbles na binasa ni Rep. Romeo Acop, pinag-uusapan umano sa nasabing dinner na may larawan umano si Roque kung saan makikitang gumagamit ng cocaine ang pangulo.

Dagdag pa doon, pinag-usapan din kung paano mailalabas sa publiko ang nasabing larawan. Nagbigay pa nga raw ng mungkahi ang ilan na sa international media ito ilabas upang mas maging kapani-paniwala.

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

Pero naniniwala si Pebbles na hindi raw si Marcos, Jr. ang taong nasa “polvoron video” na palagay niya ay ipinakalat para pabagsakin umano ang gobyerno.

“In-enhance po nila ‘yong video para mas maging maliwanag at mas makita. Hindi po ako naniniwala na si PBBM ‘yan,” saad ni Pebbles.

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ng Department of Defense (DND) ang tungkol sa malisyosong video noong Hulyo 2024.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o tugon ang Palasyo hinggil dito.

MAKI-BALITA: DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM