Nagbigay ng "unsolicited advice" ang mga concerned netizen para kay Queen of All Media Kris Aquino, na imbes na magpaka-stress tungkol sa pagpapaliwanag sa naunsyaming pag-iibigan nila ng dating boyfriend na si Dr. Mike Padlan, ay intindihin at magpokus na lamang sa pagpapagaling sa mga sakit at pagpapahinga.
Nitong Linggo, Abril 6, ay nagkaroon kasi ng panibagong Instagram post si Kris, na bukod sa health updates ay nabanggit pa niya ang naging usapan nila ng kumpare niyang si showbiz insider Ogie Diaz, patungkol sa kaniyang ex. Dumating din umano ang ex-boyfriend habang siya ay nasa operating room at tinurukan ng sedative.
Aniya, "My pareng Ogie had an opinion that Doc Mike found offensive. Since coming home i only reached out to my kumpare yesterday. He was very gracious and said: 'Mare, sorry na-stress ka pa. Dr. Padlan sorry dahil naging masama ang dating ng kumento ko sa yo. Nakakapanghinayang, sa ‘kin unang umamin si Mare na may boyfriend syang duktor at nasabi nyang YOU MADE HER FEEL SAFE. Para mas mabilis ang pag galing mo na pinagdarasal ng marami- hindi ko na sya paguusapan. Sorry talaga, Mare, hindi mo kailangan ng stress- bagong opera ka pa man din.'"
"i thought i was still dreaming unsure about who i saw when Dr. Cricket my anesthesiologist, was waking me up. But he was there. We didn’t get to speak, THANK YOU Dr. Mike Padlan, i was told i was sedated when you entered the OR. i am sad that you declined to remain as 1 of my lead physicians but i do understand what you meant when you said to 'LET ME GO' - mahirap talaga kapag magkaibang mundo ang pinanggalingan at nakasanayan…"
"In time i still hope your anger will lessen and we shall both have PEACE IN OUR HEARTS. i’m almost there because i appreciate all i have & everyone who pray for me & make the effort to express their concern and compassion," aniya pa.
Sinabi naman ni Kris sa Instagram post na lima sa siyam na autoimmune disease na pinagdaraanan niya ngayon ay maaari daw niyang ikasawi.
MAKI-BALITA: Lima sa siyam na autoimmune disease ni Kris Aquino, puwede niyang ikamatay
Ibinahagi rin niyang unti-unti ay bumabalik na raw ang gana niya sa pagkain. Binanggit niya ang iba't ibang taong nagpadala sa kaniya ng mga pagkain, kabilang na ang award-winning GMA news journalist na si Jessica Soho.
"I am now 88 pounds, that’s a WIN. Because God helps those who help themselves," aniya.
Sa comment section naman, bagama't bumaha ng encouraging words para sa agaran niyang recovery at pag-heal mula sa kapwa celebrities at fans, hindi naman naiwasan ng mga netizen na pagsabihan ang Queen of All Media na paawat na siya sa pagpo-post nang mahahaba at magpokus na lamang sa pagpapagaling.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na mababasa sa comment section ng dalawang recent Instagram posts niya, na patungkol sa lagay ng kalusugan at kay Dr. Padlan.
"I honestly thought your personal drama made public with Dr. Mike Padlan ended in your prior post with 13 slides. I guess not. Dear Kris, please choose your battles."
"Ms. Kris, as much as I want you to get better, I don't think this is the time for you to focus on your lovelife. I think you are more in love with the idea of being in love. Since mahilig ka reading and watching romantic movies and books, gusto mo ganon din mangyari sayo. But really, in your state, parang mas focused kapa sa lovelife mo kesa sa health mo. I'm getting secondhand embarrassment. I am sure your family tells you not to say everything. Grabe, pati yung bank transfer need mo bang ipaalam sa buong mundo? Para saan? Maawa ka naman sa pamilya nung tao saka mga anak. You divulge too much. Hindi na dapat malaman ng buong mundo yan kahit gano kapa kahonest. Please Kris, you have to stop this. You have been like this everytime you get into a relationship. Please have some decency."
"Sorry, Kris, but this is TMI. Nobody will win here. Not you, not him. I stopped reading after the third slide. Just please focus on your health. It’s what you need, and it is what matters."
"Minsan nakaka bad vibes na magbasa ng post mo,so many praying for you,sa ganyang estado nkuha mo pang mag bf mas maigi nlang don’t share so that u don’t get judge."
"My sincere advice, don't publicize your laundry."
"Instead of depleting your energy by engaging in social media disputes, channel your focus toward the vital process of healing and restoration. Prioritize what truly matters—your well-being and recovery. Get better KCA."
Sa kabilang banda, may mga sumita naman sa mga nabanggit na komento at nagsabing wala sila sa posisyon para diktahan ang nais gawin ni Kris lalo na sa kaniyang personal social media account, lalo na't baka ito raw ang coping mechanism niya para makapag-move on at hindi isipin ang negative thoughts at mga sakit na iniinda niya.
Isa pa, may sakit man o wala, nakilala na raw si Kris sa pagbabahagi ng kaniyang feelings at ganap pagdating sa love life at personal na buhay.
"Then don’t focus on her so-called drama. She clearly has bigger battles to fight. Show some empathy and human decency by helping her direct her energies and focus on her physical and emotional healing rather than calling her out on her flaws. At this stage of her life, who are we to do so?"
"[Some] people focus so much on the flaws of others, let’s focus on praying for people who are asking for it. Get well Krissy."
" the best [for] her is to keep it to herself or to the people close to her so [people] will not [judge] her or comments harshly."
"And who are you to restrict her on what she feels?"
"[She's] not Kris if she doesn’t share much. Let her. That keeps her connected to the world that loves her still. Meanwhile, we keep praying and hoping she gets well soon."
"Maybe you know the word 'Mind your own business.'"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kris tungkol dito.