April 17, 2025

Home BALITA National

PBBM, masayang 'di na kakasuhan 17 OFWs sa Qatar

PBBM, masayang 'di na kakasuhan 17 OFWs sa Qatar
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na kakasuhan ang 17 overseas Filipino workers (OFWs) na inaresto sa Qatar matapos magdaos ng hindi awtorisadong “political rally” bilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Masaya akong ibalita na hindi na kakasuhan ng Qatar ang 17 nating kababayang na-detain doon kamakailan dahil sa illegal assembly,” anang pangulo sa isang Facebook post nitong Lunes, Abril 7.

“Wala na silang magiging parusa at makakabalik na sila sa trabaho,” dagdag niya.

Natanggap daw ni Marcos ang naturang tinawag niyang magandang balita matapos ang naging pag-uusap nila ng Ambassador ng Qatar sa Pilipinas na si H.E. Ahmed Saad Nasser Abdullah Al Homidi.

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

Sa isa namang press briefing nito ring Lunes nang igiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na patunay umano ang pagpapalaya sa 17 OFWs sa Qatar sa naging mabilis na aksyon ni Marcos.

MAKI-BALITA: Ibinasurang kaso ng 17 Pinoy na ilegal na nagprotesta sa Qatar, ‘patunay sa mabilis na aksyon ni PBBM’—PCO

Matatandaang noong Marso 28 nang kumpirmahin ng Philippine Embassy in Qatar na inaresto at ikinulong ang ilang mga Pinoy doon dahil sa "unauthorized political demonstrations" sa naturang bansa.

Isinagawa umano ng mga OFW ang "political demonstrations" upang magpakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong "crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD