May 07, 2025

Home BALITA National

Ibinasurang kaso ng 17 Pinoy na ilegal na nagprotesta sa Qatar, ‘patunay sa mabilis na aksyon ni PBBM’—PCO

Ibinasurang kaso ng 17 Pinoy na ilegal na nagprotesta sa Qatar, ‘patunay sa mabilis na aksyon ni PBBM’—PCO
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB at Pexels

Inihayag ng Malacañang na tuluyan nang ibinasura ng gobyerno ng Qatar ang kaso laban sa 17 Pilipinong inaresto sa naturang bansa matapos umanong magsagawa ng ilegal na kilos-protesta noong kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'

Sa press briefing ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, iginiit niyang patunay umano ito sa naging mabilis na aksyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

"Ito po ang magandang balita natin. Nakikita po natin kung gaano kabilis magtrabaho ang ating Pangulo. Kaya parang ito po ay taliwas sa mga bintang ng iba na walang nangyayari sa ating bansa,” ani Castro.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Dagdag pa niya, “Ito po ay talagang tinutukan ng ating Pangulo para mabigyan ng tulong ang 17 na kababayan natin sa Qatar at ito po ang naging resulta  na ma-dismiss na po ang kaso at mapalaya po sila.”

Samantala, matatandaang noong Abril 3 nang kumpirmahin ng Department of Migrant Workers (DMW) na mabigyan ng provisional release ang 17 Pinoy na sangkot sa naturang demonstrasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: 17 Pinoy na inaresto sa Qatar, pinagkalooban ng provisional release – DMW