April 08, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Direk Joey pinuri si FL Liza, nakiusap sa mga Pinoy na 'pagbigyan pelikulang Pilipino'

Direk Joey pinuri si FL Liza, nakiusap sa mga Pinoy na 'pagbigyan pelikulang Pilipino'
Photo courtesy: Screenshot from Bilyonaryo News Channel (TikTok)/Liza Marcos (FB)

Pinuri ng chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Direk Jose Javier Reyes ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., partikular ang kaniyang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos, dahil sa kauna-unahang pagkakataon daw, bumili ang pamahalaan ng restoration machine para ma-restore at panatilihin ang mga lumang pelikulang maituturing na klasiko.

Sa panayam kay Reyes sa programa ng "Bilyonaryo News Channel" na "At The Forefront" ni Atty. Karen Jimeno, hayagang sinabi ng FDCP chairman na huwag daw isipin ng mga tao na walang ginagawa ang gobyerno pagdating sa film industry, dahil first time daw nangyari ang pagbili ng restoration machine at naisakatuparan lang daw ito sa panahon ni PBBM.

Dito ay binanggit din ng FDCP chairman ang effort ni FL Liza upang mapaangat ang pelikulang Pilipino.

"Huwag ninyong akalaing walang ginagawa ang gobyerno, okay, sa pag-uuplift ng pelikulang Pilipino. Bakit? May sabihin ako sa inyo. For the first time itong pamahalaang ito, nagbigay ng pera para makabili ng restoration machine, okay, para dito ma-restore ang mga Filipino movies," paliwanag ni Reyes.

Pelikula

'Wala pa gumagawa nito!' FDCP chair pinuri gobyerno, bumili ng restoration machine

"Wala pang gumagawa nito! Yung iba puro 'abla' 'abla' 'abla' pero ang gusto ko ngayon lalong-lalo na sa ginagawa ng First Lady (Liza Araneta-Marcos), is she's putting her money where her mouth is. Okay? And she wants action..." dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: 'Wala pa gumagawa nito!' FDCP chair pinuri gobyerno, bumili ng restoration machine

Nakiusap din si Reyes sa publiko na "pagbigyan naman ang pelikulang Pilipino" bago "matahin."

"Pagbigyan n'yo naman ang pelikulang Pilipino. Bago n'yo matahin, alamin ninyo... kung meron mang kumakalaban sa atin, kung meron mang humahatak pababa sa Pilipino, ang nakakalungkot ay ang kapwa Pilipino. Kasi kung hindi tayo maniniwala kung ano tayo, sino pa ang maniniwala sa atin?" aniya.