April 07, 2025

Home BALITA National

Netizen nalungkot, ibinahagi umano'y travel advisory ng US airport laban sa NAIA

Netizen nalungkot, ibinahagi umano'y travel advisory ng US airport laban sa NAIA
Photo courtesy: MBFile photo at Achie Jimenez Denna/FB

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan mula umano sa isang airport sa United States hinggil sa isang travel advisory doon kaugnay ng kawalang seguridad na maaari umanong maranasan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa Facebook post na ibinahagi ni Achie Jimenez Denna noong Sabado, Abril 5, 2025, ikinalungkot daw niya ang naturang travel advisory na siyang nakabalandra sa publiko sa nasabing airport sa US.

“I saw this Advisory at the gate while checking on my flight details. It is very sad to know that this kind of Travel Advisory is circulating and popping out publicly in Airports Across the United States,” ani Denna.

Saad kasi ng naturang travel advisory, “Passengers are advised that the Security of Homeland Security has determined that Ninoy Aquino International Airport (MNL) in Manila, Republic of the Philippines, does not maintain and carry out effective aviation security measures.”

National

Gastos ng mga tatayong testigo laban kay FPRRD, sasagutin ng ICC

Samantala, noon lamang buwan ng Marso nang maiulat ang magkakasunod na insidente sa NAIA kung saan sangkot ang modus ng tanim-bala at nakawan sa checked-in luggage. 

Noong Marso 6 nang makaranas ng aberya sa kanilang flight ang netizen na si Ruth Adel, matapos umano silang akusahan sa airport na may basyo ng bala sa kanilang bagahe. Bukod sa akusasyon, tila na-harass din daw sila sa kung paano sila tinrato ng security personnel sa NAIA upang ekspeksyunin ang sinasabing basyo ng bala na sa huli ay hindi rin napatunayan.

KAUGNAY NA BALITA: 69-anyos na babaeng pasahero, nakaranas umano ng 'laglag-bala' sa airport

Isang Pinoy din ang nabiktima ng tanim-bala sa NAIA na dapat sana’y paalis na raw ng bansa upang makapagtrabaho. Ayon sa Facebook post ni Pat Dalia—tiyuhin ng biktima, naantala ang pag-alis ng kaniyang pamangkin ng harangin at ipitian siya ng mga awtoridad dahil umano sa balang natagpuan sa isa sa kaniyang mga maleta noong Marso 24.

Nanatili sa kustodiya ng NAIA ang biktima na isinailalim pa umano sa imbestigasyon habang hinihintay ang desisyon ng fiscal.

KAUGNAY NA BALITA: Lalaking magtatrabaho sana abroad, panibagong biktima ng Tanim-Bala?

Hindi rin nakaligtas ang celebrity couple na sina singer-songwriter Ice Seguerra at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Liza Diño-Seguerra. Noong Marso 26 nang ibahagi ni Ice sa Facebook post na nawalan ng mamahaling relo at laptop ang kaniyang asawa sa NAIA 1. 

Matapos ang imbestigasyon, hindi natukoy kung paano at kung sino ang nagnakaw sa mga nawawalang gamit ni Liza. Kasunod nito. Inako ng Philippine Airlines (PAL) ang pagbabayad sa naturang relo ngunit hindi kasama ang laptop.

BASAHIN: ALAMIN: Mga bansang nagbabala sa kanilang travel advisories sa pagpunta sa Pilipinas