Kinaaliwan ng mga netizen ang viral Facebook post ni "Albert Labrador" matapos ibahagi ang larawan nilang magkakaibigan mula sa kanilang "pag-akyat" sa isang "bundok" sa lungsod ng Quezon.
Pero ang nabanggit na bundok ay hindi literal na bundok kundi ang footbridge na matatagpuan sa Kamuning, kaya tinawag nila itong "Mt. Kamuning."
Nag-post si Albert ng mga larawan kung saan makikitang nagpo-pose ang kanilang grupo sa "summit" o tuktok ng 30 talampakan na footbridge sa Kamuning malapit sa GMA Network building.
Makikitang nakasuot pa talaga sila ng kasuotan sa pag-akyat ng bundok!
"We made it! 6th Anniversary Mt Kamuning climb-west to east face and back traverse, without supplemental oxygen. No guides or porters. We did not conquer it! We are one with the overpass!" mababasa sa caption.
Agad na nag-viral at nagdulot ng good vibes sa mga netizen ang post, lalo na sa mga nakaka-relate na laging dumaraan sa nabanggit na "bundok sa siyudad."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 11k laugh reactions, 3.6k shares, at 358 comments ang nabanggit na post.