Maging si Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila ay hindi nakatiis bumwelta sa pahayag ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia patungkol sa mga nurse.
Matatandaang sinabi ni Unabia sa isang proclamation rally na limitado lang umano sa magagandang babae ang provincial nursing scholarship program.
“Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan,” saad ni Unabia.
Kaya sa X post ni Karen nitong Linggo, Abril 6, inalmahan niya ang nasabing pahayag.
Aniya, “Isa pa ito. Stop sexualizing & objectifying nurses. Talagang hitsura ang basehan?”
“Comments like this insult the nursing profession. It undervalues the intelligence & skill-set needed to do the job of a NURSE. Babae man o lalaki. Nurses work really hard to take care of a stranger’s health and life. Value that,” dugtong pa niya.
MAKI-BALITA: Hirit ng MisOr Gov. na para sa magagandang babae lang ang nursing, umani ng reaksiyon
Samantala, inanunsiyo naman ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas umano sila ng show cause order laban kay Unabia.
MAKI-BALITA: Comelec, maglalabas ng show cause orders vs MisOr Gov. Unabia dahil sa ‘sexist’ remark