April 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jarea matapos maokray: 'Hirap pala when you don’t meet other people’s standards!'

Jarea matapos maokray: 'Hirap pala when you don’t meet other people’s standards!'
Photo courtesy: Jarea (FB)/ABS-CBN News

Nagbigay ng reaksiyon ang singer-songwriter na si "Jarea" matapos malait ang kaniyang looks at outfit sa naganap na ABS-CBN Ball 2025.

Ayon sa Facebook post ni Jarea, Sabado, Abril 5, ibinahagi niya ang ulat ng ABS-CBN News tungkol sa kaniyang pagrampa sa red carpet at pag-pose sa harapan ng paskil ng ABS-CBN Ball 2025.

"Good morning! I woke up thinking about how wild the comment section was.. as in, grabe talaga. Ang hirap pala when you don’t meet other people’s standards, no?" ani Jarea.

Bukod sa pintas sa kaniyang outfit, ilan sa mga netizen din ang nagtanong kung "sino siya" at baka kailangan daw lagyan ng name tag para makilala.

Tsika at Intriga

Daniel Padilla at Kyle Echarri, muntik magrambulan dahil kay Kathryn Bernardo?

Sa pagpapatuloy ni Jarea, "But hey, that’s part of my journey. I’m just starting. And yes, nasasaktan din akoooo!!!! tao lang din ako HAHAHA. Pero wala nang mas masakit pa sa fact na hindi naabutan ni Mom to see me walk at the ABS Ball."

Sa kabilang banda, gumaan naman daw ang pakiramdam ng singer nang mabasa ang komento at pagtatanggol para sa kaniya ng maraming netizen.

"Jokes aside, I’m super grateful. I see the comments, and to those who defended me.. sobrang thank you. I didn’t expect that. My heart really felt lighter reading them."

"That’s why I hope you’ll continue to support me, because soon..."

"I’ll be releasing my first ever original song."

"It’s something very personal, galing sa puso, and I hope it reaches yours too."

"Thank you again. Hope you stick around for more," aniya pa.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Jarea kung gaano siya kasaya nang maimbitahan siya sa nabanggit na ball.

"Grateful beyond words for my first ABS-CBN Ball," aniya.

"I was surrounded by stars people I once only saw on screen. Now, I get to share the same space, celebrate, and grow."

"This is another step forward, another answered prayer. Hi Mom, I’m doing it. For you. I love you," pahayag pa niya.