Umani ng reaksiyon ang naging hirit ni reelectionist Misamis Oriental Gov. Peter Unabia na para lamang umano sa “magagandang babae” ang propesyon na nursing.
Base sa video na in-upload ng Facebook user na si Cyrus Arado-Ubay Valcueba, inihayag ni Unabia sa isang campaign rally noong Abril 3 ang kanilang provincial nursing scholarship program, ngunit sinabi niyang para lamang daw ito sa magagandang babae.
“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” ani Unabia.
“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan),” saad pa niya.
Tinawag ito ni Valcueba sa kaniyang post bilang “sexist and racist” at sinabing nakalulungkot daw na may ganoong klase ng lider ang kanilang probinsya.
“I know that some of his supporters might say na ga joke lang. But it is not a good joke to tell in front of the crowd listening to you. We must need a leader whose value feminism and that will put end to inequality,” ani Valcueba sa kaniyang post.
“Again, say what you all say but what I hear is vipers dressed in empaths' clothing. We must think wisely in choosing our leaders. The future is in our hands,” dagdag niya.
Habang sinusulat ito’y umabot na sa 414,000 views, 2,100 reactions, at 3,100 shares ang naturang video ni Valcueba.
Narito ang iba’t ibang komento ng netizens sa nasabing post:
“It’s disheartening to hear that a scholarship, which should be based on merit and need, is being limited by discriminatory and superficial standards. It is one thing to say that it is only for women, but it is disrespectful and shows a shallow, sexist mindset to say “kato rang gwapa" and “di man pewde nga maot” are eligible. Even if it was meant as a joke, it’s inappropriate, especially coming from someone in a position of power. Leaders should promote equality, not reinforce harmful stereotypes. We need leaders who value substance over appearance and who truly care about fairness and opportunity for all..”
“I understand the concern raised in this post, and I respect different opinions on the matter. Pero I strongly disagree with labeling the Governor as a sexist or racist based on this instance. Dili man siguro fair nga tungod lang sa usa ka remark, husgahan na dayon ang iyang entire leadership, diba? First, this wasn't about any workforce trends or any actual discriminatory policy. The Governor has a way of telling jokes and breaking the ice during speeches, especially kana kay proclamation rally. Kay if its true, then klaroha. Show proof of potential scholars nga wala gidawat tungod kay maot.”
“Education should be a right, not a privilege based on looks.”
Mayroon din ilang netizens na tumawag sa atensyon ng Commission on Elections (Comelec) lalo na’t tumatakbo para sa kaniyang ikalawang termino bilang gobernador si Unabia.
Habang sinusulat ito’y wala pa namang reaksyon ang Comelec o paliwanag si Unabia hinggil sa nasabing viral video.
Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nag-viral din ang “sexist” remark ng tumatakbong tumatakbong kongresista sa Pasig City na si Atty. Christian "Ian" Sia sa mga single mother.
“Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nireregla pa… Nay, malinaw, nireregla pa—at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwede pong sumiping sa akin. Yun pong interesado magpalista na po dito sa table sa gilid,” ani Sia sa isang viral video kamakailan.
KAUGNAY NA BALITA: Gabriela sa joke ng Pasig bet sa single moms: ‘Di katanggap-tanggap at lalong ‘di nakakatawa!’