Tila nababahala ang singer at performing artist na si Eva Marie Poon sa mga nangyayaring kidnapan sa komunidad ng Chinese at Chinese-Filipino sa bansa subalit wala raw kabali-balita tungkol dito.
Mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Abril 6, tila "usual blackout" daw ito para masabing ligtas pa rin ang mga kalsada at hindi tumataas o lumolobo ang crime rate sa bansa, gaya ng kidnapping.
"So may kindappan na pala na nangyayari sa community natin pero walang kabali - balita. The usual blackout," aniya.
Dagdag pa niya, "Kaya pala yabang ng PNP and Tambaloslos to say the streets are safer."
"As always, we Chinese will suffer in silence. Imagine, sa contribution natin sa economy, we are reduced to this absence of power during this season. 不能放心 even. What did all that money really buy?"
"Painful truth is that this time around, we are partially to blame for all the Tsinoys who've been narcissistically posting on social media for the last few years. HUMBLE FLEXING.WE REAP WHAT WE SOW. What a single person does AFFECTS all of us in our community."
"Prayers for the families of the victims but extra prayers for safety for those who choose to be humble and simple on a daily," aniya pa.

Si Eva Marie ay kapatid ng singer-crooner na si Richard Poon, mister ng aktres, commercial model, at writer na si Maricar Reyes.
Sa kaugnay na balita, matatandaang noong Pebrero 20, 2025, isang 14-anyos na Chinese student ang napaulat na dinukot, na nag-aaral sa isang exclusive school sa Taguig City.
Sinasabing pinutulan pa ng daliri ang biktima nang tumangging magbigay ng ransom ang pamilya sa mga kidnapper.
MAKI-BALITA: Kinidnap na foreign student, pinutulan ng daliri nang 'di magbigay ng ransom mga magulang sa mga kidnapper
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil noong Pebrero 26, naibalik na sa kaniyang pamilya ang estudyante at dinala raw ito sa ospital para sa medical examination.
Ang nangyari raw na kidnapping ay isang "crime syndicate" lamang, saad naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
MAKI-BALITA: Chinese student na kinidnap, nakabalik na sa magulang; walang binayaran na ransom
Samantala, umabot na sa walo ang bilang ng nakikidnap mula noong Enero 2025.