April 07, 2025

Home BALITA National

Espiritu, tinawag na ‘bastos’ sinabi ng MisOr Gov. na para sa magagandang babae lang ang nursing

Espiritu, tinawag na ‘bastos’ sinabi ng MisOr Gov. na para sa magagandang babae lang ang nursing
MULA SA KALIWA: Atty. Luke Espiritu at Misamis Oriental Gov. Peter Unabia (Photo: MJ Salcedo/BALITA; Cyrus Arado-Ubay Valcueba/FB screengrab)

“Magagalang, mabubuti ang mga tao. Pero 'di ko mawari bakit bastos ang ‘lider’ ng probinsyang ito…” 

Ito ang naging patutsada ni labor-leader Atty. Luke Espiritu kay reelectionist Misamis Oriental Gov. Peter Unabia matapos nitong sabihing para lamang sa “magagandang babae” ang nursing profession.

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Unabia sa isang proclamation rally noong Abril 3 kung saan sinabi niyang para sa magagandang babae lamang ang kanilang kanilang provincial nursing scholarship program dahil lalala umano ang sakit ng “lalaking pasyente” kung hinarap ng “pangit na nurse.”

“Kining nursing, para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. At, kato pa gyud mga babaye nga gwapa (Itong nursing, para lang ito sa mga babae, hindi pwede ang lalaki. At, at saka yung talagang mga babaeng magaganda),” ani Unabia.

National

Ibinasurang kaso ng 17 Pinoy na ilegal na nagprotesta sa Qatar, ‘patunay sa mabilis na aksyon ni PBBM’—PCO

“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit, kasi kung nanghihina ang mga lalaki, nakaharap sa pangit na nurse, e ano, lalong lalala ang sakit niyan),” saad pa niya.

Kaugnay nito, sa isang Facebook post ay sinabi ni Espiritu na galing siya sa Misamis Oriental noong unang linggo ng Marso at magagalang daw ang mga tao doon, kaya’t hindi raw niya mawari kung bakit “bastos” ang gobernador ng probinsya.

“Nanggaling kaming MisOr nung first week of March. Magagalang, mabubuti ang mga tao. Safe space ang espasyo ng masa,” ani Espiritu, na isa ring senatorial candidate.

“Pero di ko mawari bakit bastos ang ‘lider’ ng probinsyang ito. Hindi lang pala laban kontra dinastiya any kampanya natin–laban din ito kontra bastos,” saad pa niya.

Habang isinusulat ito’y wala pa namang pahayag o paliwanag si Unabia, na tumatakbo para sa kaniyang ikalawang termino bilang gobernador, hinggil sa kaniyang viral video.

Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nag-viral din ang “sexist” remark ng tumatakbong tumatakbong kongresista sa Pasig City na si Atty. Christian "Ian" Sia sa mga single mother.

“Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nireregla pa… Nay, malinaw, nireregla pa—at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwede pong sumiping sa akin. Yun pong interesado magpalista na po dito sa table sa gilid,” ani Sia sa isang viral video kamakailan.

KAUGNAY NA BALITA: Gabriela sa joke ng Pasig bet sa single moms: ‘Di katanggap-tanggap at lalong ‘di nakakatawa!’