Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang ilang insidente ng red-tagging at sexist remarks sa kasagsagan ng pangangampanya para sa Midterm elections mula sa mga tagasuporta ng mag kandidato at mismong mga kumakandidato.
Sa inilabas na pahayag ng CHR noong Sabado, Abril 5, 2025, nagkakaroon na rin umano ng paggamit ng deep fake videos o mga Artificial Intelligence (AI) videos kung saan napepeke ang hitsura at boses ng isang indibidwal.
“The CHR notes with alarm that cases of alleged red-tagging have now involved the use of deepfakes to spread disinformation, linking certain candidates and groups to the New People’s Army. Reports have also captured sample photos of the candidates’ tarpaulins being posted in public which include messages against progressive and activist groups,” anang CHR.
Dagdag pa nila, “The CHR strongly reminds the public, political candidates, and incumbent officials that red-tagging endangers a person’s rights to life, liberty, and security. Such acts undermine individual dignity and erode the very pillars of democratic engagement.”
Pinuna rin ng komisyon ang umano’y mahalay na pahayag ng Pasig City congressional candidate Atty. Ian Sia hinggil sa kababaihang solo-parent.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ian Sia, maaaring patawan ng election offense o disqualification
Nanawagan din ang CHR sa mga awtoridad partikular na sa Commission on Elections (Comelec) na bigyan umano ng kaukulang aksyon ang mga kandidatong lumalabag sa pamamagitan ng red-tagging at sexist remarks.
“The CHR urges relevant authorities, particularly COMELEC, to take swift and appropriate action in investigating these cases, and to reinforce the importance of upholding human rights, gender sensitivity, and ethical conduct in political campaigns. All such efforts must strictly observe due process while safeguarding free speech and the democratic rights of online users,” saad ng CHR.