April 05, 2025

Home BALITA National

VP Sara, handa nang bumalik sa Pilipinas: 'My task is done!'

VP Sara, handa nang bumalik sa Pilipinas: 'My task is done!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Pexels

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na nakahanda na raw siyang bumalik ng Pilipinas matapos ang ilang linggong pananatili sa The Hague,Netherlands.

Matatandang ilang linggo nang nananatili si VP Sara sa The Hague para sa ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sa panayam ng media sa Bise Presidente noong Biyernes, Abril 4, 2025, iginiit niyang tapos na araw ang kaniyang trabaho sa The Hague. 

National

Kabataan Partylist, sinupalpal si Sen. Bato sa executive order ni Trump tungkol sa ICC

"Yes, everything's organized with the lawyers... and there's already a system for the family with regard to the visiting here in the detention units. So yes, and that the last document that was needed for me, I delivered it this morning to the person inside who asked for it. So yes, my task is done. Well-organized," ani VP Sara. 

Dagdag pa niya, "Yes, yes, I am excited to go home... I'll just book the travel arrangement."

Noong Marso 12 nang unang dumating si VP Sara sa The Hague upang asikasuhin umano ang magiging opisyal na legal team ni dating Pangulong Duterte na nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing sa darating na Setyembre 23. 

KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025