Pinuna ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, matapos umanong sagutin ni PBBM ang kaniyang pahayag hinggil sa pagpapasalamat niya sa Pangulo para sa relasyon ng kanilang pamilya.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa pagpapasalamat ni VP Sara sa kaniya: 'Glad I could help'
Sa panayam ng media kay VP Sara sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Abril 4, 2025, iginiit ng Pangalawang Pangulo na hindi umano obligasyon ni PBBM na ayusin ang problema ng kaniyang pamilya, bagkus ay ang liderato raw nito ay dapat nakatuon sa bayan.
"I think the sarcasm is lost in him. Hindi n'ya siguro naiintindihan na ang duty and obligation n'ya ay para sa bayan, hindi para ayusin ang personal na problema ng mga pamilya. The sarcasm is lost on him," ani VP Sara.
Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ng Bise Presidente ang kaniya raw pasasalamat sa ginawa sa kaniya ng administrasyon ni PBBM matapos ang umano’y pagkakaroon nila ng “father-daughter” relationship ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mapalapit sa kaniyang half-sister na si Veronica “Kitty” Duterte.
Ayon kay VP Sara, mas nagkaroon daw umano sila ng pagkakataong mag-usap ni dating Pangulong Duterte patungkol sa kanilang pamilya magmula nang mapunta ito sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: Dahil daw kay PBBM: VP Sara, FPRRD nagkaroon ng ‘father-daughter’ relationship
MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Dagdag pa niya, mas nagkaroon na rin da wsiya ng relasyon sa half sister na si Kitty kasunod nang naging pag-aatake umano sa kaniya katulad ng isyu ng kaniyang confidential funds at nakabinbing impeachment.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, mas naging close kay Kitty matapos umano ang mga atake sa kaniya ng PBBM admin