Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang suspensyon ng kanilang operasyon sa mga piling araw sa pagpasok ng Semana Santa.
Sa Facebook post ng MRT-3 noong Biyernes, Abril 4, 2024, nakatakdang ipatupad ang nasabing tigil-operasyon ng kanilang linya mula Huwebes Santo (Abril 17) hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 20).
Ipapatupad naman nila ang extended operating hours sa Miyerkules Santo (Abril 16) kung saan nakatakdang bumiyahe ng 10:30 ng gabi ang last trip mula North Avenue Station habang 11:09 naman ng gabi ang last trip mula Taft Avenue Station.
Magbabalik ang normal na operasyon ng MRT-3 sa Lunes, Abril 21, kung saan nakatakdang magsimula ang first trip mula 4:30 ng umaga sa North Avenue at 5:05 naman ng umaga sa Taft Avenue Station.
Samantala, nauna na ring ihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapahintulot nila sa mga provincial buses na dumaan sa kahabaan ng EDSA sa Abril 9, Araw ng Kagitingan at gayundin sa pagsisimula ng Holy Week.
KAUGNAY NA BALITA: MMDA, pinahintulutan pagdaan ng mga bus sa EDSA simula April 9