Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang mensahe umano ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Sa panayam ng media kay VP Sara noong Biyernes, Abril 4, 2025, sinabi niya ang mensaheng nais umanong ipabatid ng dating Pangulo sa buong mundo.
"Everything I did, I did for my country. (I don't know) whether that statement is acceptable or not, but I want it out to the world," ani VP Sara.
Matatandaang noong Marso 11, nang maaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si dating Pangulong Duterte matapos magbaba ng arrest warrant ang ICC dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: : FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Muli ring iginiit ng Pangalawang Pangulo ang pagnanais umano ni dating Pangulong Duterte na muling makabalik sa Pilipinas.
"He wants to go back to the Philippines, He said, 'I am an old man. I can die anytime. But I want to die in my country," anang dating Pangulo.
Samantala, nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing si dating Pangulong Duterte sa darating na Setyembre 23.
KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025