April 06, 2025

Home BALITA National

Kabataan Partylist, sinupalpal si Sen. Bato sa executive order ni Trump tungkol sa ICC

Kabataan Partylist, sinupalpal si Sen. Bato sa executive order ni Trump tungkol sa ICC
Photo courtesy: Kabataan Partylist at Bato dela Rosa/Facebook

Pinalagan ng Kabataan Partylist ang naging pahayag ni reelectionist Senator Ronald "Bato" dela Rosa na mananagot umano kay US President Donald Trump ang mga nakipagtulungan upang mailipad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sa Facebook post ng naturang partylist nitong Sabado, Abril 5, 2025, ibinahagi nila ang pahayag ni Kabataan Partylist first nominee Atty. Renee Co kung saan tinawag niyang 'hypocritical appeal' ang nasabing pahayag ng senador. 

"Kung Pilipino ka, hindi ka kailanman manlilimos sa dayuhan para makatakas sa pananagutan. Nakakahiya. Literally, you are Filipinos for nothing but yourselves. No principles. No backbone. Alipin lang ng sinumang pinakamakapangyarihan. With these kind of hypocritical politicians, it's really up to the youth to save the Philippines," ani Co.

National

Kapag naging presidente si VP Sara sa 2028: Sen. Bato, yayakaping mahigpit mga kaaway

Dagdag pa niya, patunay lamang umano ang pahayag ni Dela Rosa kung gaano kabulok ang sistema ng pulitika sa bansa.

"This shows our rotten political system is not just a local problem. Ang dinastiyang gipit, sa foreign backing kumakapit. Ang laban para sa tunay na demokrasya ay di mahihiwalay sa laban para sa tunay na kalayaan. Isa itong patriotic duty ng kabataan," aniya.

Matatandaang noong nakaraang pagdinig ng Senado, nang maungkat ang posibleng may-ari umano ng eroplanong sinakyan ni dating Pangulong Duterte papuntang The Hague. 

“Siguro naman it is the moral obligation of this committee also to share our findings of this committee to President Donald Trump para kung sino man ang may-ari nitong Gulf Stream na ‘to na eroplano, ay kung may mga ari-arian ito sa America, eh covered siya sa executive order na pinirmahan ni President Trump… Kung sino man ang may-ari ng eroplano na ‘yan, mananagot siya kay President Trump,” ani Dela Rosa. 

KAUGNAY NA BALITA: Banta ni Sen. Bato: May ari ng eroplanong sinakyan ni FPRRD papuntang The Hague, lagot kay Trump?