Nasa dosenang Commission on Elections (Comelec)-owned election paraphernalia ang itinago sa isang private residence sa Santol Street sa Purok Santo Niño, Dumanlas, Buhangin, Davao City nitong Sabado, Abril 5.
Batay sa ulat ng Manila Bulletin, kinumpirma ng Davao City Police Office (DCPO) na ang laman umano ng mga kahon ay solar panels at Wi-Fi transmission equipment mula sa Comelec Manila, na nakalaan sa distribusyon ng mga ito sa mga barangay sa Rehiyon ng Davao.
Bukod dito, nag-deploy na raw ang DCPO ng mga personnel upang i-secure ang nabanggit na mga election paraphernalia.
Ayon naman sa mga residente sa nabanggit na residential area, dinala ang mga nabanggit na election equipment noon pang Marso 30.