April 06, 2025

Home BALITA National

House Speaker Romualdez, ibinida ang Magna Carta of Filipino Seafarers

House Speaker Romualdez, ibinida ang Magna Carta of Filipino Seafarers
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasabatas ng House Bill No. 7325 o Republic Act No. 12021 o mas kilala bilang Magna Carta of Filipino Seafarers, noong 2024.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, Sabado, Abril 5, "Isang makasaysayang tagumpay para sa ating bansa ang pagsasabatas ng House Bill No. 7325, na ngayon ay ganap nang batas bilang Republic Act No. 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers , na nilagdaan noong Setyembre 2024."

Ayon sa lider ng House of Representatives, ito raw ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkilala, pagbibigay-proteksyon, at pagpapabuti ng kapakanan ng mga marino na maituturing daw na mga modernong bayani ng bayan na patuloy na nag-aambag hindi lamang sa kabuhayan ng kanilang mga pamilya, kundi pati na rin sa pambansang ekonomiya.

"Ang Republic Act No. 12021 ay bunga ng masusing pagtutulungan at walang-sawang dedikasyon ng mga miyembro ng Kongreso na nagsisilbing tunay na tagapagtanggol ng karapatan ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga seafarers na matagal nang nananawagan ng konkretong aksyon at makataong patakaran," aniya pa.

National

Kapag naging presidente si VP Sara sa 2028: Sen. Bato, yayakaping mahigpit mga kaaway

Magtitiyak daw ang batas ng mga karapat-dapat na benepisyo, proteksyon laban sa pang-aabuso, at mga mekanismong magtataguyod sa kanilang dignidad at seguridad habang nasa dagat at maging sa kanilang pagbabalik sa lupa.

"Ang tagumpay na ito ay patunay ng kapangyarihan ng pagkakaisa at malasakit sa paggawa ng mga batas na tunay na may saysay sa buhay ng mamamayan. Sa patuloy na pagtutulungan, mas marami pa tayong magagawa upang mapabuti ang kinabukasan ng bawat Pilipino, saan man siya naroroon," giit pa ng house speaker.