January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Hiwalay na insidente ng saksakan ng magkakapatid, naitala sa Iligan City

Hiwalay na insidente ng saksakan ng magkakapatid, naitala sa Iligan City
Photo courtesy: Freepik

Dead on arrival na ang 52 taong gulang na lalaki mula sa Iligan City matapos umano siyang saksakin ng sarili niyang kapatid.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao noong Biyernes, Abril 4, 2025, wala umanong dahilan ang suspek sa pananaksak sa biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na naghahanda lang daw ng pagkain ang biktima nang bigla na lang siyang inundayan ng suspek. Nagawa pa raw niyang gantihan ang kaniyang kapatid ng tagain niya ito ng karit.

Agad na naaresto ang sugatang suspek, na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Probinsya

Kalabaw sa Palawan, binembang umano ng binatilyo; suspek, dati nang nanghalay ng kambing!

Samantala, isang magkapatid rin mula naman sa Barangay Tambacan, Iligan City ang naiulat na nagtagaan. 

Sugatan ang 22 taong gulang na suspek matapos magtamo ng taga sa leeg na dulot ng kaniyang kapatid na nauna na rin niyang tinaga.

Wala namang naiulat na nasawi sa naturang insidente.