Nagbigay ng pananaw ang Vivamax sexy actress na si Yen Durano tungkol sa konsepto ng virginity.
Sa latest episode ng “Your Honor” kamakailan, sinabi ni Yen na ang virginity raw ay isa lamang social construct.
“Virginity is a social construct to control women," saad ni Yen.
“Yes," pagsang-ayon naman ni Tuesday Vargas, host ng programa. "Bakit sa lalaki 'di na isyu kung hindi kayo virgin? Bakit sa babae isyu?"
Dagdag pa ni Yen, "’May gumalaw na diyan, ayaw ko diyan.’ May choice sila [lalaki] na 'yong virgin na lang. So, 'yong virginity is something they feel na they taking. But they don't actually take anything.”
Kaya naman ayon sa kaniya, mahirap daw maging babae. Sa ngayon, wala na siya sa Vivamax dahil gusto rin niyang sumubok pa ng ibang genre.
“I don’t wanna stay in a place where it doesn't align with me anymore,” dugtong pa ni Yen.