Nagbigay ng tugon si Star For All Seasons Vilma Santos kaugnay sa ibinabato sa kanilang puna na lumilikha umano sila ng political dynasty sa probinsya ng Batangas.
MAKI-BALITA: Ate Vi, umaming siya ang kumumbinse kay Luis na kumandidato: 'I'm not getting any younger'
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Huwebes, Abril 3, sinabi ni Ate Vi na paano raw masasabing lumilkha sila ng dinastiya gayong wala siyang masamang record sa ilang taong paninilbihan.
“It’s not even the political dynasty. How can you say it’s a dynasty when you know na wala ka namang masamang record? Nagsilbi ka lang,” saad ni Ate Vi.
“At the same time, what if siya [Luis Manzano] ang gusto kong pagkatiwalaan?” pagpapatuloy niya. “At kailangan ko ‘yong younger perspective niya? At nagkataong anak ko? It’s that dynasty? May record ba kaming nangongorap?”
Giit pa ng Star For All Seasons: “Hindi kami nagprisinta. Hinilingan kami to go back and serve again.”
Matatandaang bukod sa kanila ni Luis, tumatakbo rin bilang kongresista sa District 6 ng Batangas ang isa pa niyang anak na si Ryan Christian Recto.
MAKI-BALITA: Vilma Santos at dalawang anak, naghain na ng kandidatura; raratsada sa liderato sa Batangas