Tila nagkagulo na naman ang fans at followers ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi dahil sa bagong nitong larawan.
Sa latest Facebook post ni Ivana noong Huwebes, Abril 3, makikita ang larawan niyang tila nasa isang gubat habang naka-topless.
“My fantasy ” saad sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sa may prutas po ako pupwesto ah"
"My dream "
"I got your back, baby!!"
"Ivana Alawi sana niyaya mo ako mag camping"
"geh pwesto ka lng jan babe, setup ko lng tent natin "
"The real beauty of the goddess !"
"Napakanaman eh"
"Sarap mag nature tripping"
Matatandaang ilang beses nang pinagkaguluhan ng mga netizen ang mga sexy picture ni Ivana sa tuwing ibinabahagi niya ito sa kaniyang social media account.
MAKI-BALITA: Ivana, nagpatakam na naman sa bagong mirror selfie
MAKI-BALITA: ‘May bet maging dirty mirror!’ Selfie ni Ivana nagpaluwa ng mga mata
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 844K reactions at 18K shares ang post ni Ivana.
Totoo nga yata talaga na kahit ano man ang gawin niya, matik na agad na hahakot siya ng sangkatutak na viewers.
MAKI-BALITA: Cristy kay Ivana: ‘Maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views’